3.31.2006

Mahirap magsulat ngunit kinakailangan

1. Buong pangalan?
Pinky Arreola

2. Anong nararamdaman mo ngayon?
Antok, pagod, puyat, at pagka-asar.

3. Bakit yun ang nararamdaman mo?
Dahil ilang araw na akong maraming ginagawa at may gusto akong tapusing binabasa pero lagi akong nakakatulog dahil sa antok, pagod, at puyat; kaya nakakaasar.

4. Saan mo gusto pumunta ngayon?
Sa isang isla sa Palawan. ‘Yung private.

5. Kung may yayakapin ka ngayon, sino?
Ang mga kaibigan kong pasado sa bar exams. Kakailanganin ko kasi ng abogado in the future dahil isa akong law-breaking citizen.

6. Kung may chance kang bumuhay ng tao, sino bubuhayin mo?
Si Papa, para maranasan man lang ng kapatid kong magkasama sila.

7. Anong kanta ang lagi mong kinakanta?
Sobrang dami. Lately Never is a Promise by Fiona Apple at Wicked Little High by Bird York.

8. Sinong katabi mo ngayon?
Officemate kong si Patricia.

9. Kung papipiliin ka, sino pipiliin mo:mahal mo na di ka mahal, o mahal ka na di mo mahal?
Ayaw. Gusto ko two-way. Pero kung walang choice, ‘yung mahal ko na hindi ako mahal dahil mahirap ma-stuck with someone na hindi mo mahal (huh?). On second thought, mahirap din ma-stuck with someone na mahal mo nga pero nakikita mo naman siyang hindi masaya.

10. Sinong gusto mong makausap ngayon?
Umm…si……kret?

11. Kung hindi ka ikaw ngayon, sino ka?
Gusto ko pa ring maging ako.

12. Ano pinakamalungkot na nangyari sa'yo?
Pagkamatay ni Papa nang hindi man lang sila nagkakasama ni Ronald.

13. Anong kanta ang gusto mong i-play?
Drive by Melissa Ferrick. Heto ang lyrics:

Your mouth waters
stretched out on my bed
your fingers are trembling
and your heart is heavy and red
and your head is bent back
and your back is arched
my hand is under there
holding you up

14. Kung bibigyan mo yung mahal mo ng bulaklak ano yun?
Les Irises ni Van Gogh

15. Anong talent mo?
Ummm…sabi ni (*bleep*) ano raw eh…

16. Ma-pride ka bang tao?
Super!

17. Anong bagay na gusto mong makuha ngayon?
Peace of mind

18. Sinong artista ang kinalolokohan mo ngayon?
Ping Medina

19. Sino ang kinakainisan mo ngayon?
Artista pa rin ba? Si Sheryl Cruz lang. Ordinaryong tao? Wala, I’m nice eh.

20. Anong pelikula ang gusto mong panoorin?
Ice Age 2 at marami pang iba.

21. Kung bida ka sa isang pelikula,sino gusto mong leading man/lady mo?
Si Ping Medina gusto ko leading man. Tapos ang role naming dalawang taong abnoy na nagkaibigan.

22. Kung di mo pangalan ang pangalan mo ngayon, ano ang pangalan mo?
Pangalan ko pa rin. I like my name. It means “rough island.”

23. Kung may gusto kang balikan sa nakaraan mo, ano yun?
‘Yung panahong buhay pa ang Papa ko para nasabi ko sa kanya kung ano ang mga gusto kong sabihin.

24. Masaya ba ang kwento ng buhay mo?
Makulay. Sobrang makulay. Pero hindi laging masaya. Tragic puwede pa. Pero masaya rin 'yung pagka-tragic niya.

25. Kung papayagan kang pumatay ngayon, sino ang papatayin mo?
Ikaw siguro.

26. Sino ang pinakaimportanteng (mga) tao ngayon sa buhay mo?
Ayokong magsabi ng kahit sino. Baka may magkatampuhan.

27. Ano ang pinaka-pangarap mong maging nung bata ka pa?
Maging lawyer. At magkaroon ng car si Barbie doll ko. Parehong hindi natupad.

28. Kung singer ka, sinong singer ang gusto mong maka-duet?
Si Sheryl Crow o si Norah Jones…at si Taylor Hicks.

29. Sa tingin mo, bakit kailangang magmahal?
Dahil nasa pagmamahal ang kulay ng buhay. Kung walang pagmamahal, walang sakit, walang saya, walang mga nobela, tula at pelikula, at walang mga kanta. Nasa pagmamahal nang tunay ang kuwela ng buhay.

30. Isang pelikula na talagang iniyakan mo?
What Dreams May Come at saka Bata, Bata Paano Ka Ginawa?

31. Ano ang pinaka-ayaw mong ugali ng isang tao?
Pretentiousness and hypocrisy

32. Anong theme song ng buhay mo?
Wala pa. Hahanapan ko pa lang.

33. Kung pwede mong i-rewind ang oras, ano gagawin mo?
May mga tao akong buburahin sa buhay ko.

34. Kaya mo bang pakawalan ang taong mahal mo?
Kung ikaliligaya niya at kung kailangan niya bakit hindi?

35. Motto mo tungkol sa love sa mga oras na ito?
Magmahal nang parang wala nang bukas.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home