6.15.2006

Minsan Lang Ako Dalawin ng Musa

PAGLILINAW: Walang kinalaman ang aking mga tula sa mga nararamdaman ko ngayon dahil matagal-tagal ko na ring naisulat ito.

Ang pagkamulat ng isang tanga

Akala ko’y sapat na
Ang mahal lang kita
Na hinahaplos-haplos ko
Ang iyong puso
Ng mga gawang
Hindi niya kaya.

Akala ko’y sapat na
Ang mahal lang kita
Na niyayakap ka
Tuwing dinadalaw
Ng lumbay
Na dulot niya.

Akala ko’y sapat na
Ang mahal lang kita
Na hinahalikan
Ang iyong mga tawa
Hindi ang labing
Nakalaan sa kanya.

Akala ko’y sapat na
Ang mahal lang kita
Na ngumingiti
Kahit hindi na kaya
Umaasa
Kahit wala na.

Ngunit hindi pala
Hindi pala.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home