Not another six years of GMA please!
SA 2010, 30 years old na ako. Ano na kayang ginagawa ko by that time? Maunlad na kaya ang Pilipinas o naghihirap pa rin tayo? Ilan na kayang nurse ang umalis na sa bansa? Ilan na lang kaya ang natitirang nasyonalista? Corrupt pa rin kaya ang sistema ng gobyerno? May respeto na kaya tayo sa presidency? Mag-iiba kaya tayo ng form ng gobyerno?
Hindi ko alam kung ano ang sagot sa mga ito. Pero nalalabuan ako kung si GMA na naman ang magiging pangulo. Another six years of GMA presidency? Hay naku, ayoko!
Gusto ko sanang maibalik ang dangal at respeto sa pinuno ng bansa. Pero paano ko rerespetuhin ang isang taong patuloy na ginagago ang mamamayan at pinapaikot ang batas? Paano ko rerespetuhin ang isang taong ginagawa ang lahat -- pati ilegal at UNETHICAL na bagay -- para lang mapanatili sa puwesto? Paano ko susundin ang isang taong mas corrupt pa ang utak kaysa sa napatalsik na si Erap?
Sayang ang lahat ng pagkakataong naibigay sa kanya nitong mga nakaraang tatlong taon. Kung naging sincere lang talaga siya sa pamumuno at hindi pamumulitika ang pinaggagawa, nakuha sana niya ang boto ko.
Pero dahil hindi, hindi ko siya iboboto. Kahit sabihin pa ng surveys na siya ang mananalo. Kahit sabihin pa ng Iglesia na siya ang dadalhin nila, mga kiningining nila, magsama-sama sila. Kahit ayoko ring manalo si FPJ.
ANG IBOBOTO KO ay hindi perpekto. May mga pagkakamali rin siya at tulad ng ibang pulitiko, binabato rin siya ng putik at nadudumihan din.
Ngunit, naniniwala ako sa kakayanan ng taong itong ibalik ang dignidad na kinakailangan ng presidency. Naniniwala akong puwede niyang baguhin ang kurakot na sistema ng gobyerno, tulad ng ginawa niya noon sa ahensiyang pinamunuan niya. Naniniwala akong sapat ang kanyang kakayahan at katalinuhan para maayos ang ekonomiya ng bansa AND AT THE SAME TIME ay maging isang pinunong may sinserong hangaring iangat ang bayan.
Iboboto ko si RAUL ROCO kahit may sakit siya. Dahil kung ang sakit niya ang magtutulak sa kanya na gumawa ng mabuti at mag-iwan ng mabangong pangalan sa bawat Pinoy na naghihirap ay wala na akong pakialam kahit may sakit siya. Kahit taningan pa ang buhay niya. Kahit anim na taon na lang siyang mabuhay.
Sa 2010, 30 years old na ako. Ayokong sabihin kong nasayang ang aking kabataan sa pagboto sa mga walang-kuwentang pinuno. Ayokong isipin kong wala akong ginawa para ayusin ang aking bayan.

Sino ang iboboto ko?

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home